Una sa Balita

Samar clash: 2 sundalo, 2 NPA patay

0 263

DALAWANG sundalo at dalawang rebeldeng mi­yembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa naganap na engkuwentro sa Barangay Olera, Calbayog City, Biyernes nang umaga.

Kinilala ni Civil Military Officer First Lt. Allan Jay Buerano ng 43rd Infantry Battalion (43rd IB) ang nasawing sina 2nd Lt. Geroe Jade Nicor at Cpl. Joelito Canico. Sugatan naman si Cpl. Eric Portalio.

Sa report, ikinasa ang strike operation matapos makatunog na nasa Brgy.
Olera ang mga rebelde bandang alas-7:15 Biyernes nang umaga kung saan ay nangingikil ang mga ito ng pera at nangu­nguha ng pagkain mula sa mga residente kaya agad na kumilos ang 43rd IB at 83rd Military Intelligence Company (83rd MIC) upang tugisin ang mga rebeldeng NPA.

Tumagal ng mahigit 2 oras ang sagupaan kung saan armado ng matataas na kalibre ng baril ang mga terorista na pinangungunahan ni Salvador Nordan, alyas Badok o Gahi, sa ilalim ng Sub-Regional Committee Emporium ang nangha-harass sa mga residente.

Agad namang dinala ang mga sugatang sundalo sa Catarman, Northern Samar para malapatan ng lunas at nakumpiska mula sa mga rebelde ang dalawang M14 rifles. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy