Una sa Balita

Samantha palaban sa Best in Swimsuit

0 525

Bongga naman ni Samantha Lo, representative ng Pilipinas sa Miss Grand International sa Venezuela, dahil kahit kararating lang niya, at hindi nga nakasama sa ibang mga aktibidades, heto nga at pasok agad siya sa mga pinagpipilian bilang wagi sa Best in Swimsuit, ha!

Nag-number one nga ang Pilipinas sa kategoryang ito, base na rin sa mga boto ng mga netizen, o ‘yung mga nag-like sa photo niya.

Oh, ‘di ba? Maaasahan talaga ang mga Pinoy pagdating sa pagboto sa social media, o online.

Pasok din sa Top 10 ang Myanmar, Malaysia, Mexico, Thailand, Vietnam, Indonesia, Latvia, Brazil at Venezuela.

Kapansin-pansin lang na karamihan ay mula sa Asya, ha!

Super lamang nga si Samantha na nakakuha ng 369,000 na likes. Malayong-malayo ang mga nakuha niyang ‘likes’ sa mga boto ng ibang kandidata, ha!

Pero siyempre, kailangan pang kunin ang mga boto ng mga hurado, at iku-combine ang mga boto para malaman kung sino talaga ang Best in Swimsuit.

Sabi nga ng mga supporter ni Samantha, ravaannnnnn! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy