Una sa Balita

Sama-Sama sa SEA Games

0 332

Sama-Sama sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

‘Yan ang tema ng official press launch kahapon ng TV5 at Cignal sa Ballroom 1 ng Raffles Hotel-Makati para sa kanilang coverage sa nalalapit nang biennial meet na magbubukas Nobyembre 30 at titiklop Disyembre 11.

Kabilang ang TV5/Cignal sa mga media network na maghahatid ng mga aksiyon sa ika-apat na hosting ng Pilipinas sa kada-dalawang taong torneo.

Ayon kay TV5 President and Chief Opera­ting Officer (COO) Jane Basas, ipalalabas ang 3×3 at 5-on-5 basketball sa TV5 habang sa 5 Plus naman eere ang eSports competition.

Bukod rito, siyam iba pang sports ang ieere ng TV5 at 5 Plus para ihatid sa mga manonood ang bonggang 30th SEA Games.

Sinabi naman ni Oscar Reyes, senior vice president ng Smart Telecommunications, katambal ng TV5 sa paghahatid ng mga aksiyon sa biennial meet, may mga nakalinya na silang expert panel para talakayin ang bawat laro.

Related Posts

“We actually have a big pool of analysts and anchors for the SEA Games who will be covering the events. Basically, anyone who has expertise in the different sports that we will cover in the SEA Games, we’ve been in touch with them, and you’re gonna hear their voices on TV,” kwento ni Reyes.

***

Putok na putok ang balitang nagsuntukan ang mga manlalaro ng San Miguel nitong Linggo sa kanilang practice session.

Ibig sabihin, talagang intense ang ensayo ng Grand Slam seeking Beermen, biruin ninyo, sila-sila nagbanatan.

Pero seryoso, sa akin ay normal lang ito. Talagang nagkakainittan din ang mga magkakakampi sa ensayo at mismong oras ng laro.

Tiyak naman lilipas din ito at magkakaayos ang mga player na nagkainitan. Nadala lang sila ng init ng paglalaro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy