Una sa Balita

Sama-sama dapat sa pagbabago

0 274

Dear Abante:

Halo-halong reaksiyon ang lumutang nang maibalita ang pagpapaalis sa mga katutubong Aeta sa Tarlac para sa pagpapatayo ng mga infrastructure.

Para sa akin, malaking challenge pa rin ang pagsama sa mga indigenous people sa pagbabagong nagaganap sa ating lipunan nang hindi nababago o naaapektuhan ang kanilang nakagisnang paniniwala at kultura.

Kung ako lang sana ang masusunod, gusto kong maisama sila sa pagbabago na nararanasan o tinatamasa natin ngayon sa lungsod.

Sana nga, lahat tayo sama-sama para sa pag-unlad at kasama sa pagbabagong iyon ang mga katutubo na Pilipino rin naman tulad natin.

Huwag din sanang mabahiran ng politika o mga ganid na nasa kapangyarihan ang mga proyekto na ginagawa para matulungan sila.

Para sa akin, matagal na silang hindi nabibigyan ng pokus kaya oras na para bigyan naman sila ng pagkakataon na sumabay sa pagbabago.

At sa pagbabagong ito, nawa ay lahat panalo. Salamat po.

Eunice ng Taguig City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More