Una sa Balita

Sama ng panahon pumuporma

By
0 3

Mahigit na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isa pang namumuong sama ng panahon.

Agad na pumorma ang Low Pressure Area (LPA) kasunod ng paglabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Tropical Depression Nando noong Sabado ng gabi. Taglay ng bagyong Nando ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 60 kilometro kada oras. Huling namataan ang bagyo sa layong 625 kilometro ng Sinait, Ilocos Sur at kumikilos sa bilis na 24 kilometro kada oras pa-kanluran-hilagang-kanluran.

Ayon sa weather bureau, makakaapekto ngayon sa silangang bahagi ng Mindanao ang LPA.

Una na ring pumasok bilang LPA ang bagyong Nando bago ito naging tropical depression noong Sabado ng hapon.