Una sa Balita

Sam super inggit kina James, Billy

By
0 748

“Naiinggit po ako! Naiinggit po ako!” ang natatawang sagot ni Sam Concepcion nang tanungin ito kung hindi ba siya naiinggit na ang dalawang kasama niya sa concert na “The Crew” na magaganap sa Araneta Coliseum on April 5 ay real life sweetheart nila ang special guest at kasama sa production number.

Magkakasama sa unang pagkakataon sa isang major concert sina Sam, Billy Crawford at James Reid.

Special guests kasi nila sina Coleen Garcia na misis ni Billy at Nadine na girlfriend naman ni James. While with Sam, he will have Yassi Pressman.

“But you know, Yassi is a good friend of mine and we see a lot of Yassi in TV right now, but I always say this to her, she has a lot to offer in music and dance.”

Sabi pa ni Sam, “Like the two of them, meron silang significant others, Ha ha ha! I’m really glad I got Yassi (Pressman) to say yes and agreed to be part of the show with me.

“Because thinking of someone that’s good, that is a performer and sing, Yassi is the perfect choice.”

May mga pinaplano na raw silang mga fun numbers na gagawin nila.

Excited din si Billy Crawford sa gagawin nilang production number ng Misis niya na si Coleen Garcia.

Si James naman, masaya raw para sa girlfriend na si Nadine sa solo movie nito na “Ulan.”

Sure raw na magiging party concert ang “The Crew” pero at the same time, kahit na isang malaking ve­nue tulad ng Araneta, gusto pa rin daw nilang maging parang intimate ang experience sa mga manonood.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy