Una sa Balita

SAM PINTO, NAGPAAGAW NG ALINDOG SA GUAM!

By
0 111
Sam Pinto
Sam Pinto

Palawan at ­Boracay ang madalas na destinasyon ng mga sexy actresses natin, para i-showcase ang kanilang mga alindog. Sa mga dagat na ‘yan nga nila madalas na ilantad ang kanilang alindog.

Pero iba si Sam Pinto, dahil dumayo pa siya sa Guam, para ipagmalaki ang kagandahan ng kanyang katawan. At hindi naman nakakahiya, dahil sa mga posts ni Sam na mga sexy photos niya, lutang na lutang pa rin ang alindog niya.

Kunsabagay, noon pa man, ang kaseksihan talaga ni Sam ang maipagmamalaki niya. Kaya nga siya nag-#1 sa FHM Sexiest Women, ‘di ba?

Anyway, kasabay na rin ng mga pagpu-post ni Sam ng mga sexy photos niya ang pagbebenta o pagma-market na rin ng mga sexy swimwear na suot niya, na negosyo nga niya. At sa tuwina, winner naman siya, dahil marami ang nagsasabing bet nilang magsuot ng swimwear na suot ni Sam.

“@sampinto_: Finally some beachin in guam @sirenaswimwearph,” sabi ni Sam.

Anyway, dahil sa pag-appear ni Sam sa Ang Probinsyano ni Coco Martin sa ABS-CBN 2, bilang si Isabel, na may gusto kay Cardo (Coco), na tinatawag niyang Baby Boy, nadagdagan ang mga fans niya.

‘Nandiyan ba si Baby Boy?’ ‘Asan si Baby Boy?’ ang mababasa mo na mga tanong kay Sam, ha! Meaning, nagmarka rin naman ang karakter niya sa ­teleserye ni Coco.

At again and again, hindi pa rin talaga mawawala ang mga netizen na ­gusto lang magpapansin sa mga artista. Na hahanap at hananap talaga ng chance para umeksena sila.

Tulad na lang nitong isa, na pati puwet ni Sam, pinagbuntunan ng galit niya.

“@aliengoddess1227:  OmgOsh I had no idea you had a butt! Yuck I want throw up! I still like u doh. But eww!” at pasosyal na tsika niya sa photo ni Sam na labas nga ang puwet ng dalaga.

Eh, patola rin pala si Sam, lalo na at tungkol sa ‘body shaming’ ang ganap. Feeling nga ni Sam, sila nga na halos nagbabad na sa gym, binibiktima pa rin ng ‘body shaming’, paano pa ‘yung mga wala talagang time sa gym, o walang pambayad sa gym, para mapanatiling maganda ang kanilang katawan.

“@sampinto_: @aliengoddess1227 ha? Bakit? Wala ka bang butt?” simpleng say lang ni Sam.

At siyempre sa mga ganitong pagkakataon, lumalabas ang mga tunay na nagmamahal sa kalayaan na maipakita ang kanilang karapatan bilang babae, bilang tao.

“@jaredlazcanotegui: @aliengoddess1227: Show us yourself and then we’ll judge if your comment body-shaming Sam is valid.”

Deadma na ang basher ni Sam. Alam niyang kukuyugin lang siya ng followers ng aktres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy