Una sa Balita

Sam Pinto, nagnegosyo sa dagat!

By
0 7

Kaya naman pala hindi masyadong abala sa kanyang showbiz career ang sexy actress na si Sam Pinto ay dahil busy ito sa pag-asikaso ng kanyang beach resort sa Baler, Aurora. May pa­ngalan na L’Sirene (The Siren) Boutique Resort and resort ni Sam at nag-share ito sa kanyang Instagram ng ilang photos para sa mga mahilig mag-getaway sa malayong lugar at ‘yung mahilig din sa surfing.

Kung manggagaling ka ng Manila, limang oras lang daw ang biyahe by land, pero sulit ang mahabang biyahe dahil very relaxing ang mala-paraiso na resort ni Sam.

“Time to take that road trip you’ve always wanted — an escape from the hustle of the city.

Only 5 hours away, @lsireneboutiqueresort invites you to relax, unwind, and dine with us at affordable rates you won’t want to miss. If you’re looking for adventure too, come surf the waves of Baler and learn from our instructors. Call 0917 743-8556 or visit our website www.lsireneboutiqueresort.com for room rates and reservations. See you and your loved ones at L’Sirene!”

Malaki raw ang impluwensiya ng boyfriend ni Sam na si Misagh Bahadoran na member ng Philippine National Football team na Azkals. Mahilig daw kasi mag-surfing ito sa Baler at lagi siyang sina­sama. Doon na raw nagkaroon ng idea si Sam na magpatayo ng resort since every weekend naman daw ay nandoon sila.