Una sa Balita

Sam, nabitin kay Yassi!

By
0 158

Sa limang co-stars niya sa Camp Sawi ng Viva Films, si Yassi Pressman ang hindi masyadong nakasama ni Sam Milby dahil sa busy schedule ng singer-actress pero nag-enjoy sila sa shooting nila sa Bantayan Island, Cebu.

“Si Yassi, wala kaming masyadong time sa shoot. I can only say na lahat sila, sobrang saya. ‘Yung tipong shooting na hindi nararamdaman na shooting. Mas lalo dahil nandoon kami sa Bantayan Island. Ang ganda ng tanawin, ‘yung lugar. Sobrang fun sa shoot.

“Sila, mas matagal doon. Ako, 4 days lang. The time that we’re able to hang out, not so much,” ang mga karanasan ni Sam sa shooting ng Camp Sawi.

Pinuri rin ni Sam si Irene Villamor, ang direktor ng pelikula.

“Bago na hindi bago si Direk Irene. She’s galing talaga. She’s very open to kinda let us do all what we want. Also, nagbibigay ng vision kung ano ang gusto niya. Very-very easy to work with, silang lahat.”

Kung may tumatak nang husto kay Sam, ito ay ang singer/actress na si Kim Molina.

Kim Molina at Sam Milby
Kim Molina at Sam Milby

“Nagulat ako kay Kim kasi may dalawang eksena kami and she told me, kalalabas ko pa lang ng PBB house, may isang show sa Dubai, 2006, nag-show kami sa Dubai.

“Du’n sa show, may singing contest and si Kim ang nanalo. ’Yun ang start ng career niya.

Hindi ko alam na kasama siya, na siya ang nanalo.

“Parang wow, it’s a great story to know na kasama ko siya sa start ng career niya. Hindi ko alam na siya ‘yon. It was such a long time ago,” ang pagbabalik-tanaw ni Sam sa magkasabay na pag-uumpisa ng mga showbiz career nila ni Kim.

Dalawa lamang ang lalake sa Camp Sawi, si Sam at ang comedian na si Jerald Napoles. Natutuwa si Sam kay Jerald dahil magaling ito na komedyante. Natawa si Sam sa biro na may Kimerald din sa pelikula nila nina Yassi, Andi Eigenmann, Arci Muñoz, Bela Padilla at Kim.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy