Una sa Balita

Sam Milby ‘di totoong naospital

0 757

Siguro naman ay matitigil na ang hinala, suspetsa, kakaisip ng mga fan, sa kung ano na ba ang sitwasyon ni Sam Milby ngayon. May mga blind item kasi na kesyo isang sikat na aktor ang nasa ospital daw dahil sa COVID-19.

At oo, hindi po si Sam ‘yon. Dahil si Sam nga ay nasa bahay nila. At makikita ‘yon sa latest Instagram post ng Cornerstone, ang namamahala sa career ni Sam.

Nag-post nga sila ng photo ni Sam na nasa bahay lang ito, at heto nga ang caption nila.

“Let us take advantage of this quarantine to rest well and get back in shape. A healthy body plus a healthy mind is really important!

@samuelmilby. #SamMilby #StayAtHome #NoToCovid19 #SafetyFirst.”

Madalas din siyang nagpu-post sa kanyang Instagram story ng mga kaganapan sa buong mundo na may kinalaman sa COVID-19. Madalas din niyang paalalahanan ang mga fan niya na mag-ingat, at manatili na lang sa mga bahay-bahay nila.

Nakakatuwa lang ang mga fan, dahil ang kaguwapuhan pa rin ang nakita nila sa photo na ‘yon ni Sam, ha!

Sharon, KC nagtsikahan na sa Instagram

Tila nabunutan ng tinik ang mga fan. May iba na naluha pa sa sobrang saya.
Dahil finally nga ay nakita na nilang nag-usap na ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, kahit maiksi lang, at sa pamamagitan ng Instagram.

Kahapon nga ay nag-post na si Sharon ng photo ni KC, at prinomote nga nito ang YouTube channel ng kanyang Baby #1.

Heto ang chika ni Mega:

“Baby#1 has a new YouTube channel. Hope you can all support her. #stillmybabynomatterwhat #unconditionally #iloveyounowandforever #onlyonemomsyforever @itskcconcepcion,” caption ni Shawie.

Na ang reply nga ni KC ay:

“Thank you, Mama,” na may kasamang red rose.

At nag-reply rin siyempre si Sharon.

“@itskcconcepcion You are welcome. I love you no matter what. That will never change,” sey niya kay KC.

Well, sabi nga, kung ano man ang meron sa mag-ina ngayon, kung ano man ang naging ugat ng kanilang ‘tampuhan’ ba ‘yon na matatawag, pasasaan ba, at darating din talaga ang araw na mag-uusap pa rin sila.

‘Yun nga lang, sa social media pa lang ito naganap. At wish ng marami, sana sa susunod ay makita na silang magkasama.

Aba, matagal-tagal na rin silang hindi nakikita na magkasama, ha! Sa panahon ngayon na halos lahat ng artista ay nasa bahay lang, at ang maki-bonding sa mga mahal sa buhay ang ginagawa nila, sana ay mangyari rin ‘yon ngayon sa mag-ina.

Anyway, kahapon naman ay nag-post din si KC ng photo na nagdidilig siya. At natuwa ang mga fan sa sobrang kasimplehan daw ni KC.

“Water some plants, anyone? Yaaaay first time ko magdilig ng halaman ulit since I was 8 years old. My grandma taught me how to water plants with a hose: Pipindutin mo lang para malayo mapupuntahan ng water mo then yan makakainom na lahat ng plants mo. Kulang nalang dito DASTER eh complete na sana ang eksena!!! Hahaha lahat ng Pinoy makaka-relate!!!

“Stay home loves! Enhanced na ang community quarantine in Luzon. Stay healthy, don’t forget to smile… and be safe. (heart emoji) xoxo, Kace.”
Well…

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More