Una sa Balita

Sam lunod sa pag-ibig ng basketbolista

Dedma na kay Misagh:

0 1,721

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyHindi malungkot ang personal life ni Sam Pinto matapos na magwakas ang love story nila ng rugby player na si Misagh Bahadoran, dahil isang hunk athlete ang ipinalit niya.

Nakabalandra sa Instagram post ni Sam Pinto ang larawan nila ni TNT Ka-tropa PBA cager na si Anthony Semerad.

Si Anthony ang kasa-kasama ni Sam sa kanyang beach Halloween holiday nitong mga nakaraang araw.

At base sa kanyang sinulat na caption ng larawan nilang dalawa ng athlete habang nakaangkla sila sa isa’t isa, mukhang masaya sa kanyang bagong lovelife ang sexy actress.

@sampinto_”you me and the sea.”

Wala namang tumutol sa lovelife na ito ngayon ni Sam at naiinggit pa nga ang ibang mga follower niya base sa mga comment ng mga ito, dahil sikat at talaga namang hindi lang guwapo ang isa sa twin Semerad kundi may pa-abs ito.

Mahilig talaga si Sam sa mga lalakeng borta o magaganda ang katawan at may may dugong foreigner.

Parehong may dugong foreigner sina Misagh at si Anthony.

 

Angel reynang-reyna kay Neil

Tinawag na “My Queen” o aking Reyna ni Neil Arce si Angel Locsin sa comment nito sa kanilang Halloween costume habang nasa Los Angeles ang dalawa.

Nagposte si Angel ng larawan nilang dalawa ni Neil, nang isang fantasy movie character.

@therealangellocsin, “winter is coming.. #happyhalloween”.

Nag-comment si Neil at dito nya sinabing kanyang Reyna si Angel.

@neil_arce, “My Queen”.

Sumagot naman si Angel nang pabiro at tinawag nya ring “kanyang hari” si Neil.

“@neil_arce, my king of the north.”

Parehong larawan ang pinoste ni Neil sa kanyang IG post pero iba naman ang caption.

“For you and I will bend a knee.”

Tatlong red heart icon lang ang comment ni Angel, na nagsasabing “I love you”, isang indikasyon na buo pa rin ang kanilang pag-iibigan ni Neil.

Marami ang nabunutan nang tinik sa pag-aalalang break na ang dalawa dahil malinaw sa bakasyon at pagsasamang ito nina Neil at Angel na sila pa rin hanggang ngayon.
Mababasa sa comment section ng posting ang kasiyahan nang mga magkakahiwalay na followers na makita silang magkasama at masaya.

 

Jessica Sanchez pinuri si Regine

Sumalang ang Philippine pride na American Idol Season 11 finalist na si Jessica Sanchez sa The Source ng CNN Philippines hosted by Pinky Webb.
Sa panayam kay Jessica­ kinamusta siya sa naging buhay niya after ng American Idol.

“How it is then? Oh, it’s been crazy. Lots of diffe­rent opportunities because of IDOL, it’s been crazy right after Idol, I sing for the president a few times – President Obama and I just been able to travel and sing for the Filipinos around the world, so it’s been amazing, and I want to thank all the Filipinos for supporting me during my journey,” ayon sa AI first runner up.

Tinatanong din siya ni Pinky kung ano ang masasabi niya na magkakaroon na ng franchise ang Ameri­can Idol dito sa Pilipinas at isa nga sa magiging host nito ay si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

“I’m so excited. I thought that Regine is gonna be a judge. I’m just so excited to watch it, got to see the judge and the contestants and just see how they set-up Idol here,” tugon niya.

Tinanong din siya kung ano masasabi kay Regine, “She’s an amazing artist. I listen to her when I was a lot younger, I fall in love with her voice. So, I’m super excited to see her judged and how this young up and coming ­artist, they gonna learn a lot from her she’s so ama­zing and I’m just excited to see the way they set-up idol,” dagdag pa niya.

Nakatakdang mag-show si Jessica sa November 10 sa Solaire kasama si Martin Nievera.