Una sa Balita

Sam labas-masok sa ospital

0 483

Sinugod kamakailan si Sam Milby sa emergency room ng St. Luke’s Hospital dahil sa pananakit ng kanyang tiyan. Kaya hindi niya nagawang matapos ang isang media event para sa teleserye nila na Halik.

Na-diagnose na may stomach flu si Sam kaya raw matindi ang sakit ng tiyan nito. Nakaranas daw kasi ito ng abdominal cramps, vomiting, fever at body aches.

Naalarma ang maraming netizens sa naging lagay ni Sam at pinagdasal nila ang paggaling nito agad. Pinapa-admit na raw ang aktor sa ospital para mas maob­serbahan ang sakit nito pero nakiusap ang handler ni Sam na kung puwede raw ba na after na lang ng taping nito ng Halik dahil importante ang mga eksena na dapat kunan.

Ginawan na lang daw ng paraan ng production ng Halik ang lahat. Ipa-prio­ritize daw nila ang mga eksena ni Sam para maaga itong matapos at makabalik ng ospital. Importante pa rin daw ang kalusugan at kaligtasan ng mga nagtatrabaho sa set. Kung hindi raw kayanin ni Sam ang mag-work sa set dahil sa kanyang sakit, maiintindihan daw nila.

Pero dahil professional si Sam, natapos daw niya ang lahat ng eksena kahit na alam ng marami na nanghihina pa ito. Ayaw raw kasi ni Sam na siya ang maging dahilan ng delay sa taping lalo na’t malapit na ang pagtatapos ng Halik.

Noong matapos na lahat ng eksena niya, binalik na siya sa ospital at tinuloy na ang pag-obserba ng sakit niya. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy