Una sa Balita

Sam, Kianna hiwalay na

By
0 615

Sa lahat ng cast ng bagong VIVA Films movie na “Para sa Broken Hearted,” si Sam Concepcion na ang masasabi naming pinakanakaka-relate sa tema at title ng movie nila nina Yassi Pressman, Louise delos Reyes, Shy Carlos at Marco Gumabao na ipalalabas sa October 3.

Hindi na dinetalye ni Sam kung gaano na sila katagal na break ng girlfriend na si Kianna Valenciano, kung anong dahilang ng break-up, pero base sa pananalita ni Sam, mukhang recently lang ito.

May mga time na nagkakausap pa rin naman daw sila. Especially, same circle of friends din silang dalawa.

Sabi ni Sam, he had his shares of broken heart na at siyempre raw, masakit at memorable yung first. Pero ayaw raw niyang magkumpara kung ano ang mas masakit o mas mahirap na pinagdadaanan from his previous break-up at ngayon.

“Hindi ko naman siya mako-compare and I don’t want to compare naman. Palagi namang mahirap na experience. You get better lang siguro.”

Nakikita namin kay Sam na fresh pa rin talaga ang break-up nila ni Kianna at aminadong nasa stage pa lang siya na makapag-move-on.

“I’m still taking it one day at a time,” saad niya.

Ang sinigurado lang ni Sam, walang third party sa paghihiwalay nila. Pero hindi rin daw niya masasabi ang specific na dahilan.

“Maraming factors, e, ‘yung mga ganyan hindi mo naman mabibigyan na specific lang.”