Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sam, Anthony kasal na

0 154

March 8 naganap ang una sa dalawang kasalan kina Sam Pinto at basketbolistang si Anthony Semerad.

Isang araw bago naganap ang wedding, ibinahagi ito ni Sam sa kanyang Instagram kasama ang ilang kuha mula sa pre-nup photo nila ng atleta.

“Finally after a year of planning. Part 1 of our wedding is happening tomorrow!! Part 2 is happening on December when (hopefully) our family and friends can fly here with less hassle and stress,” sabi ni Sam.

Hindi muna binanggit ni Sam kung saan ang unang wedding nila, pero hulan ng mga follower na isang civil wedding ito.

Ang ikalawang kasal nina Sam at Anthony ay sa December magaganap, na posibleng sa simbahan na ito.

Nauna na ngang nagpakasal ang kakambal ni Anthony na si David kay Gwen Zamora sa France kamakailan lang. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.