Una sa Balita

Salvage victim itinapon malapit sa bahay ng Quezon gov

0 440

ISANG bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvaging ang natagpuan hindi kalayuan sa bahay ng gobernador sa Unisan, Quezon kamakalawa nang umaga.

Nakagapos ang mga paa, nakaposas ang kamay at nababalutan ng packaging tape nang matagpuan ang hindi pa nakikilalang bangkay sa ilalim ng tulay sa Bondoc Peninsula highway sa Barangay Mu­liguin mga ilang metro lamang ang layo sa taha­nan ni Quezon Governor David Suarez.

Ayon sa Unisan police, hindi taga roon sa nasabing bayan at walang nakakilala sa biktima na tinatayang may edad 35 hanggang 40-anyos.

Hinala ng mga ito, pinatay ang biktima sa ibang lugar at inihagis lamang sa ilog ang bangkay noong Linggo nang gabi o Lunes nang madaling-araw.

Sinuri na ito ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at inaalam kung ano ang ikinamatay nito.

Nakalagak ngayon sa isang punerarya sa bayan ng Unisan ang bangkay at patuloy na nananawagan ang mga awtoridad sa mga may nawawalang kaanak na kilalanin ang bangkay. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy