Una sa Balita

Saludo kami sa mga frontliner

0 424

Dear Editor:

Nag-aalburoto ang ilan sa mga manggagawa na pumapasok sa Metro Manila dahil naabala at naaantala ang kanilang mga biyahe dahil sa isinasagawang mga checkpoint.

Kapansin-pansin din na hindi nasusunod ang social distancin­g dahil sa siksikan pa rin ang mga pasahero sa mga bus station at sa mismong mga bus. Iba’t iba ang reklamo at hinaing ang kanilang inilalabas sa social media.

 Pero naisip din ba ng mga reklamador na mga manggagawang ito at ilang mga motoristang ito kung gaano kahirap para sa mga kasundaluhan, kapulisan at mga health worker na bantayan ang bawat isa sa kanila para lang siguraduhing ligtas ang lugar na kanilang papasukan at ang mismong mga manggagawang ito?

Naisip din ba ng mga reklamador na manggagawa at motoristang ito kung gaano kalaki ang banta sa buhay ng mga nagpapatupad sa batas? Mabuti pa nga ang makipaggiyera sa mga terorista o sa mga masasamang-loob dahil siguradong alam mo kung sino ang kalaban mo.

Pero sa sitwasyong ito, kahit sino di agad malalaman kung infected na ba ang katabi mo o kausap mo.

 Huwag po sana tayong maging ipokreto! Hindi po ito ginawa para sa pansariling kadahilanan. Buti nga at hindi “total lockdown” ang pinapatupad dahil tiyak pare-pareho tayong magugutom dahil marami sa atin ay “no work, no pay” ang mangyayari. ‘Yong iba kayang gawin ang kasabihang “tiis ganda” para gumanda lang, kaya tiis-tiis lang din sana tayo dahil pasasaan ba ito kung ‘di para sa ating sariling kapakanan din. Kung ayaw ninyo pong maabala, huwag na po kayong pumasok at manatili na lang sa inyong kabahayan.

Romeo Alcoseba

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More