Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Saludo ako kay Lee-Ann

0 153

LUBOS ang paghaga ko kay Lee-Ann Fidaire dahil sa murang edad pa lamang ay alam na niya ang pagtulong sa kapwa.

Sa darating na Dis. 20 ay muling magpapalaro ng chess na libre si Lee-Ann na tinampukang 2nd Annual Lee-Ann Fidaire Kiddies 13 years old and below Free Registration Online Chess Tournament sa lichess.org.

Kaagapay niya sa papalaganap ng chess sa bansa ang kanyang butihing ina at kumare natin na si dating Olympian WNM Cristina Santos Fidaire.

May total prize P12,500 ang naghihintay sa mga magwawagi kung saan ang magkakampeon ay tatangap ng P2,000, habang ang 2nd hanggang 3rd place ay tig-P1,000.

Ang 4th hanggang 20th place ay makakatangap naman ng tig-P500.

Tiyak matutuwa ang mga bata sa maaga nilang Pamasko kay Ate Lee-Ann.

Naganap ang 1st Lee-Ann Fidaire Kiddies chess tournament nitong nakaraang taon sa Open Kitchen restaurant sa Rockwell, Mandaluyong City.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.