Una sa Balita

Saludo ako kay Chairman Butch

0 290

PAPALAPIT na nang papalapit ang ika-apat na hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ang iba’t ibang venue na ginagawa ay malapit na ring matapos, pagtitiyak ng Philippine Sports Commission, sa pamumuno ng masipag na chairman na si Ginoong William ‘Butch’ Ramirez.

Sa puntong ito, halos lahat ay nasa tamang proseso na para sa ikapagtatagumpay ng SEA Games.

Nagtatrabaho na rin nang husto at nakikipagtulungan sa PSC ang Philippine Olympic Committee, sa pangunguna ng pangulo nitong si Cong. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, at ang Phisgoc, na pinangungunahan naman ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Napakalaking kaganapan ang 11-nation, 12-day biennial event na ito, kaya naman pokus ang tatlong ahensiya sa bawat detalye at aspeto sa nalalapit na kaganapan.

Nitong nagdaang linggo ay isinagawa ang 5th CDM Consultation Meeting sa Philippine International Convention Center, sinabi ni Chairman Ramirez na anumang mga nagdaang isyu ay dapat nang isantabi at kailangang magtulungan ang lahat para sa SEA Games hosting.

“Let’s clear about the past issues, as the challenge is now. We are all duty bound to show that we Filipinos are capable of bringing our best we were known for in hospitality and staging of the Games”, sabi ni Chairman Ramirez.

Sa panig ng inyong lingkod, saludo ako sa sinseridad, dedikasyon at sipag ng ating PSC chairman. Kahit sobrang abala sa maraming bagay, makikita namang buhos talaga ang buong atensiyon at oras niya para magtagumpay ang SEA Games.

Sana imbes na maghilahan pababa, o magbatuhan ng putik sa bawat isa, tulungan na lamang natin ang PSC at si Chairman Ramirez.

Saludo po ako sa iyo chairman! Mabuhay ka!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy