Una sa Balita

Saludar karipas sa PSC-Pacquiao Cup Final 4

By
0 2,620

Walang kahirap-hirap na sumampa sa semifinals si Jake Sone Saludar ng Polomolok team matapos umatras si C-Jay Higado ng Team Koronadal sa 1ST PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup 2018, Minadanao quarterfinals kahapon sa Kidapawan, North Cotabato.

Via walk over, isang hakbang na lang si Saludar upang lumaban sa finals at lumapit sa inaasam na titulo sa Youth boys Light flyweight, (46-49kgs.).

Utol si Saludar, bronze medalist sa Batang Pinoy sa Tagum, nina champion boxers former world title challenger Victorio, Froilan at Asian Games gold medalist Rey.

“Gusto kong sundan ang yapak ng mga kuya ko kaya nage-ensayo ako palagi at sinusunod ko mga bilin nila sa akin at pati ng mga coach ko,” saad ni 15-year-old Saludar.

Pero inaasahang mapapalaban si Saludar sa semis sa event na inorganisa ng Philippine Sports Commission at sa pakikipagtulungan ng ABAP at ni Sen. Emmanuel Pacquiao.

Makakaharap ni Saludar ang kumpiyansang si Richard Sequino ng Labangal Team na ginulpi si Louie Jay Albino, 5-0 ng Team Digos.

“Kaya ko si Jake, (Saludar),” ani Sequino pagkatapos ng kanyang laban sa event na tinulungan nina PSC Games Secretariat chief Annie Ruiz at PSC-PSI consultant Roger Fortaleza.

Bukod kina Saludar at Sequino, ang ibang mga umarangkada sa semis ay sina Ariel Almamento, (GenSan), John Ednoel Prevendido, (Davao), Arceboy Baranggan, (Aglayan), Jomar Baliwan, (Labangal), John Ignatius Macas, (CDOC), Criz Sander Laurente, (GenSan), ReMark Brillo, (Sultan Kudarat), Elmar James Panerio, (Digos), RV Denega, (Gensan) at Darrel Literal, (Malungon).