Una sa Balita

Salt And Pepper bumida sa PHILRACOM 4-YO race

0 202

IPINAKITA ni Salt And Pepper ang kanyang tikas matapos nitong angkinin ang titulo sa 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old Above Local Stake Race” sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Linggo ng hapon.

Nagpalakas sa tersero puwesto sa largahan si Salt And Pepper upang pagremate nito ay tuloy-tuloy hanggang finish line.

Sa home turn, dumaan sa balya ang winning horse at pagdating sa rekta ay malinaw na apat na kabayo ang mga inungusan ni Salt And Pepper.

“Mahusay manakbo ni Salt And Pepper sa San Lazaro, halos hindi nahirapan sa kanyang panalo,” kuwento ng isang karerista na si Lyndon Bartolo.

Nakopo ng may-ari ni Salt And Pepper ang P300,000 premyo matapos ilista ang 1:26 minuto sa 1,400-meter race habang P112,500 ang napunta sa may-ari ng nasegundong si Lakan.

Naibulsa ng mga owner nina Smokin Saturday at Mandatum ang P62,500 at P25,000 para sa tersero at pang-apat na puwesto ayon sa pagkakasunod.

May nahamig na P15,000 ang winning breeder ni Salt And Pepper, inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy