Una sa Balita

Salpukan ng van, bus: 4 nadale

0 285

DALAWA ang patay habang dalawa pa ang sugatan sa salpukan ng isang van at pampasaherong bus sa Mahar-lika highway, Gumaca, Quezon kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Carmelo Ampungan, 47-anyos, driver ng van at residente ng Ocampo, Camarines Sur at pasahero nitobg si Nina Maldo, 59.

Base sa imbestigasyon ng Gumaca Police, nangyari ang aksidente alas-11:30 nang gabi sa Brgy. Lagyo habang tinatakbo ng van na pag-aari ng Milaor Trading Corporation ang highway mula Bicol patungong direksyon ng Maynila.

Nasalpok ito sa kaliwang bahagi ng kasalubong na Philtranco bus na minamaneho ni Mario Manzanido.

Nasawi habang ginagamot sa ospital ang mga biktima habang naka-confine pa ang dalawang sakay na sina Gloria Camacho, 65, at Cyril Camacho, 24.
Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng bus.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkasalpukan ng dalawang sasakyan. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy