Una sa Balita

Salpukan ng motorsiklo, bus: Mag-ama patay

0 274

Kapwa patay ang isang guro at anak nito makaraang magsalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na bus kamakalawa nang hapon sa bayan ng Uson, Masbate.

Kapwa dead-on-the-spot sa lugar ng pinangyarihan ang mga biktimang nakilalang sina Clint Richard Alburo, driver ng motorsiklo, at backrider na amang si Ricardo Alburo, public school tea-cher, pawang residente ng Brgy. Buenasuerte ng nabatid na bayan.

Samantala kasalukuyang nakakulong ang suspek an si Ely Delos Reyes, driver ng pampasaherong bus na kabanggaan ng motorsiklo ng mag-ama.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:40 nang hapon sa kahabaan ng Purok 2, Brgy. Buenasuerte ng na-sabing bayan.

Napag-alaman na magkasalu-ngat na tinatahak ng motorsiklo ng mag-ama at bus na minamaneho ng suspek ang kahabaan ng kalsada ng pagdating sa pakurbang bahagi ng daan ay bigla na lang nagsalpukan ang dalawang sasakyan.

Dahil sa kapwa mabilis ang pagpapatakbo ay agarang namatay ang mag-amang biktima habang nadakip naman ng rumes-pondeng pulisya ang drayber ng bus.

Sa ngayon ay inaalam pa ang tunay na pangyayari ng naganap na salpukan ng dalawang sasak-yan habang nakakulong naman sa Uson Municipal Police Station (MPS) ang drayber ng bus habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy