Una sa Balita

Salpukan ng motor at kotse, 3 nadale

By
0 27

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan makaraang ang sinasak­yang motorsiklo ng mga ito ay mabangga ng isang kotse sa Mahar­lika Highway, Barangay Concepcion 1, Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Arjay Gonzaga, 17-an­yos, na siyang nagmamaneho ng motorsiklo.
Sugatan naman ang mga backrider nito na sina Christian Rodriguez, 19-anyos, at Jister Cueto, 20-anyos.

Batay sa report ng Sariaya police, bandang alas-siyete ng gabi, tinatahak ng motorsiklo ang kahabaan ng highway nang mag-overtake ito sa isa pang sasakyan subalit bago pa man nakabalik ito sa kanyang linya ay bumangga na ito sa kasalubong na kotseng Honda Civic na minamaneho ni Jerome Norada.

Agad isinugod sa ospital ang mga biktima subalit nasawi rin si Gonzaga habang nilalapatan ng lunas.

Nasa kustodiya naman ngayon ng mga pulis ang driver ng naka­banggaang kotse.