Una sa Balita

Salo-salo sa hotpot 9 sa pamilya tinamaan ng coronavirus

0 307

SIYAM na magkakamag-anak sa Hong Kong ang tinamaan ng Novel Coronavirus (2019-nCoV) matapos magsalo-salo sa pagkaing hotpot.

Ang hot pot, kilala rin bilang steamboat, ay isang Chinese cooking method kung saan tinatambog sa isang kaldero ng kumukulong sabaw ang iba’t ibang sahog, gaya ng karne, gulay, kabute, seafood, at dumpling.

Kinumpirma ng mga opisyal kagabi, Pebrero 9, 2020, na naunang magpositibo sa virus ang isang 24-anyos na lalaki at kanyang 91-anyos na lola.

Sinundan sila ng mga magulang ng lalaki, maging ng dalawang tita at tatlong pinsan, ayon sa Centre for Health Protection ng Hong Kong.

Sabi ng mga opisyal, parte sila ng pagtitipon ng 19 katao noong Chinese New Year holiday na may handang hotpot meal.

Sa ngayon, may isa nang namatay at 36 nahawa sa 2019-nCoV sa Hong Kong. Nasa 470 katao ang inabisuhan ng mga awtoridad na manatili sa bahay, sa hotel room, o sa quarantine site ng gobyerno. (Riley Cea)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More