Salo-salo, outreach bawal sa Pasko

Hinikayat ng Department of Health (DOH) na iwasan muna ang pagdaraos ng Christmas party gayundin ang buffet o pagsasalo-salo at anumang outreach program upang mapigilan ang pagkakahawaan ng COVID19.
“Wag na muna magkaroon ng pagtitipon-tipon… ‘wag na muna magkaroon ng pagpunta sa kamag-anakan this coming holiday dahil ‘yan ay napaka-risky at maaring magdulot ng pagtaas uli ng kaso sa ating bansa,”ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.
Sinabi ni Vergeire na hindi totoong tapos na ang pandemic at nandito pa rin ang virus hanggang hindi tayo nakakahanap ng tamang gamot o tamang bakuna ay mananatili ang virus.
Kaya para makaiwas sa virus patuloy na sumunod sa health protocols gaya ng social distancing at pagsusuot ng facemask at face shield at palagiang paghuhugas ng kamay.(Juliet de Loza-Cudia)