Una sa Balita

SALN ni Duterte kunin n’yo sa Ombudsman — Palasyo

0 400

WALANG itinatago si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang statement of assets, liabilities and networth o SALN.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng mga pagdududa ng ilang grupong hindi makakuha ng kopya nito.

Sinabi ni Panelo na nakatugon si Pangulong Duterte sa mga dokumentong kailangang isumite patungkol sa detalye ng kanyang yaman at ari-arian.

Kung may itinatago aniya si Pangulong Duterte ay hindi na sana ito nagsumite ng kanyang SALN.

“If he is hiding anything he would not have filed any SALN,” ani Panelo.
Binigyang-diin ni Panelo na sa Ombudsman manggagaling ang kopya ng SALN ni Pangulong Duterte para sa mga nagnanais na makakuha nito, at hindi sa tanggapan ng Pangulo.

Wala aniyang plano ang Office of the President na maglabas ng utos sa Ombudsman upang ilabas ito, dahil kinikilala ng OP ang pagiging indipendenteng sangay nito.

Ayon kay Panelo, kung ang sinasabi ng Ombudsman ay hindi pa tapos ang guidelines para sa pagre-release nito, makabubuting hintayin na lamang ito ng mga gustong makakuha ng kopya.(Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More