Una sa Balita

SALN ng mga senador itinago

By
0 211

ILANG empleyado ng Senado ang nagtataka sa kautusan ng Office of the Senate Secretary na irecall ang kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga senador na hawak ng public information office nito.

Sa memorandum mula sa tanggapan ni Senate Secretary Atty. Myra Villarica na may petsang October 10, 2018 na nakuha ng Abante, inatasan nito ang Public Relations and Information Bureau (PRIB) na ibalik sa kanya ang lahat ng kopya ng SALN na hawak nito.

“I have been informed that copies of the Senators’ Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) have been furnished in your office,” saad sa memo para kay PRIB Director Raymundo Corro.

“In this regard, you are hereby instructed to immediately return to the Office of the Secretary all copies of the SALNs and to not retain any copy, digital or otherwise,” dagdag sa memo.

Batay sa source, hindi dumaan ang memorandum kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na kilala sa pagnanasang maging transparent ang lahat ng usapin sa Senado.

Ang kopya ng SALN ng mga senador ay ipi­namahagi ng PRIB sa mga mamahayag noong Mayo upang ipaalam sa publiko ang estado ng kabuhayan ng mga miyembro ng Mataas na Kapulungan.

Dahil dito, ayon sa source, nakapagtatakang kailangan pang itago ang SALN kasabay ng pagtatanong kung may nais bang pagtakpan sa mga dokumento.
Ilan sa mga senador ay tatakbo ng reeleksyon sa 2019 Midterm elections kung saan inaasahan aalagwa ang mga black propaganda sa mga target na kandidato.