Una sa Balita

Salitang ‘manhole’, ‘manpower’ bawal na sa California

0 280

BAWAL na sa siyudad ng Berkeley, California ang salitang ‘manhole’, ‘manpower’ at iba pang gender specific word.

Inaprubahan ng city council ang ordinansa upang maisulong ang ‘equality’ kung saan ipagbabawal ang panghalip na tumutukoy sa kasarian ng babae o lalaki at papalitan na ito ng ‘sila’.

Dahil dito, hindi na magagamit sa Berkeley ang salitang ‘sorority’ o ‘fraternity’ bagkus ay tatawagin na itong ‘collegiate Greek system residence’.

Maging ang ‘policemen’ ay babaguhin na rin at tatawaging ‘police officer’. Ang ‘manhole’ naman ay papalitan ng ‘maintenance hole’, habang ang ‘manpower’ ay magiging ‘human effort’.

Ikinatuwa naman ni council member Rigel Robinson ang pagkakapasa ng kanyang ordinansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy