Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Saleslady ginahasa ng amo sa department store

0 261

HIMAS rehas ang isang Chinese national matapos gahasain ang kanyang saleslady sa loob ng department store na pag-aari ng suspek sa Burgos St., Barangay Quirino, Solano, Nueva Vizcaya, ayon sa Nueva Vizcaya Provincial Police Office (NVPPO) noong Huwebes.

Sa report ng NVPPO, kinilala ni Solano Police Station chief-of-police P/Capt. Fernando Bag-ayan Jr., ang suspek na si Shi Zi Li, 35, nakatira sa Sitio Polloc, Barangay Roxas, Solano.

Ayon kay Bag-ayan Jr., sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ni Judge Johnson Valin Padre, ng regional trial court (RTC), Branch 27, Bayombong, Nueva Vizcaya, isinilbi nila ito sa tinitirhan ng suspek.

Sa imbestigasyon, ayon sa report, ang biktima na isang dalaga ay nagtratrabaho sa maliit na department store na pag-aari ni Li. Sa report, naiwan umano ang biktima at ang suspek sa loob ng tindahan.

Kasunod noon ay pinagsamantalahan ng amo ang empleyada nito at binantaang may mangyayaring masama kung hindi siya papayag sa kagustuhan nito.

Pagkatapos ng panghahalay ay nagsumbong sa pulisya ang saleslady kaya dinampot ang Intsik. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.