Una sa Balita

Salcedo maangas

0 355

PINATUNAYAN ni Philippine Air Force chess team mainstay IM Richelieu Salcedo III na isa siya sa top blitz chess player ng bansa nang magkampeon sa first leg ng Rising Phoenix International Chess Championship 2020 na naganap sa famous chess website “www.lichess.org” Sabado nang gabi.

Ipinagmamalaki ng Salay, Misamis Oriental, naging matatag sa dikdikang laban si Salcedo laban sa ibang tigasing woodpusher. Tumapos si untitled Kevin Arquero ng Philippine Army chess team ng second habang nalagay naman si American FM Steven Breckenridge sa third place.

Nakamit ni Silang, Cavite whiz kid Juncin Estrella ang top kiddies plum habang naibulsa naman ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ng Legaspi City, Albay ang top lady award.

Ang susunod na qualifying event ay Marso 21. “This emerging new trend: Online chess tournaments has become the safest way to organize, join and participate in high caliber chess tournament without the risk of exposing one’s self to the deadly COVID-19 or more popularly known as the Corona Virus 2019,” sabi ni owner/managing director ng Rising Phoenix Chess Academy IM Joel Banawa.

Ilalarga ang grand finals sa Hunyo 6 kung saan hahamigin ng magkakampeon ang P15,000 habang ang second at third placer ay magbubulsa ng tig-P7,500 at P3,100 ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More