Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Salceda tutukod sa economic amendments sa Saligang Batas

0 134

Suportado ni Albay Rep. Joey Salceda ang mga panukalang pang-ekonomiyang amyenda sa 1987 Constitution, partikular ang mga probisyong sumasakal sa pagpasok ng mga dayuhang puhunan sa bansa.

Sa ganitong paraan ay lalong mapapabilis ang pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kabilang dito ang mga hakbang na ginagawa sa kasalukuyang Kongreso na naglalayong amyendahan ang ilang pang-ekonomiya probisyon sa 1987 Constitution na: 1) nagbabawal sa mga dayuhang mamumuhunan na maging may-ari ng mahigit sa 40% ng kapital sa ilang industriya; 2) ganap na pagbabawal sa kanila sa mga ‘public utilities’ at media o pamamahayag; at 3) mahinh sa mga industriya sa likas na yaman.

Giit ni Salceda, na siyang chairman ng House Ways and Means Committee, ang naturang mga pagbabawal ang dahilan kung bakit naging kulelat at napag-iwanan ang Pilipinas ng mga karatig bansa nito gaya ng Vietnam, Thailand at Malaysia na naging matagumpay at mabilis ang pagsulong at pag-unlad sa tulong mga dayuhang puhunan,

“Binalangkas ang mga nakasasakal ng probisyon ng ating Saligang Batas sa panahon kung kailan lupain ang pinakamahalagang angkla ng ekonomiya. Hindi na iyan totoo ngayon. Walang gaanong halaga na rin sa mga dayuhang korporasyon ang mag-ari ng lupain sa ating bansa,” paliwanag ng mambabatas na isang respetadong ekonomista.

“Ang naging bunga na naturang mga mapanakal na probisyon ay ang mga lokal na monopolya at oligopolya o mga dambuhalang kumpanya pag-aari ng mga Pilipino na hindi naman gaanong mahusay ang serbusyo sa publiko,” punto pa nito.

“Sa ngayon, kailangang masusing pag-aralan natin ang nakalatag na mga panukalang amyenda sa Saligang Batas. May mga panukalang nakatuon lamang sa ekonomiya, at may iba namang ang nais ay malawakang pagbabago. Ang pinagtutuunan ko ay ang mga pang-ekonomiyang probisyong sumasakal sa ating ekonomiya, bagama’t bukas din ang isip ko sa mga sadyang kailangang pagbabagong politikal.

“Ganon pa man, ang lahat ng naturang mga panukala ay dapat dumaan sa masusing pagaaral at tamang proseso, Sa totoo lang sakal na rin sa oras, Kailangang pormal na mapagpasiyahan ang mga ito bago matapos ang Oktubre o bago sumapit ang paghain ng kandidatura ng mga tatakbo sa 2022 halalan,” ani Salceda.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.