Una sa Balita

Salceda todo push sa Albay 2.0 Plan

0 426

DESIDIDO si Albay Rep. Joey Salceda na isulong ang ‘Albay 2.0 development plan’ na lalong magpapabuti sa kalagayan ng mga Albayano.

Sentro nito ang pagpapalawak pa sa kakayanan ng mga kabayanan, bawasan ang kahirapan at burahin sa lalawigan ang gutom at malnutrisyon.

“Ang tunay na kandidato dito ay ang ‘Albay 2.0 development plan’ na kinakatawan ko lang. Ang higit na mahalagang layunin ay ang pangkalahatang kabutihan sa pamamagitan ng pagpapalago sa sa edukadong middle class, pagbawas sa kahirapan, pagbura sa gutom at malnutrisyon,” pahayag ng walang kalabang reeleksyunistang kongresista.

Kabilang sa nakahilerang mga proyekto na hindi lang Albay ang makikinabang kundi ang buong Bicol ay ang pagpapataas ng antas ng Bicol Training and Teaching Hospital na tinanggap na ang laang P592 mil­yon para mabuo na ang 600-bed capacity nito at ang pagbubukas ng Bicol Cancer Institute na magkakaroon ng Liner Accelerator at Magnetic Resonance Imaging (MRI) facility na may laang P1.9 bilyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More