Una sa Balita

Salceda sa CHED: Mga estudyante ipasa lahat!

0 1,014

Muling nanawagan si Albay Rep. Joey Salceda sa Commission on Higher Education (CHED) at iba pang higher education institutions (HEIs) na ipasa ang lahat ng estudyanteng naka-enroll sa ikalawang semestre bunsod ng pinalawig na enhanced community quarantine.

Sa kanyang liham kay CHED chair J. Prospero de Vera, pinaliwanag ni Salceda na makabubuting ipasa na lamang ang mga estudyante nang walang anumang kondisyon dahil sa mahabang class suspension at kung magbukas man ay ipatutupad naman ang social distancing.

“Sa transcript lagyan ng PASSED due to COVID,” saad ni Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means.

Samantala, ang alma mater ni Salceda, ang Ateneo de Manila University ay nagdesisyon nang tapusin ang semestre sa Mayo 8 bunsod ng pinalawig na enhanced community quarantine sa Luzon.

Inanunsyo ng Guidon sa Twitter, ang official school publication ng Ateneo, na base sa nilabas na memo ng vice president ng university, ang “eligible non-graduating students will receive a passing (P) mark instead of letter grades.”

Bukod sa pasadong grado, ang mga Atenean ay makakatanggap din ng P20,000 tuition fee refund at 60 percent refund ng kanilang laboratory fees. (JC Cahinhinan)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More