Una sa Balita

Salawal ni Pacquiao, isusubasta

0 249

GUSTO n’yo bang mapasainyo ang ginamit na shorts ni Manny Pacquiao sa kanyang Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Pilipinas) WBA welterweight championship fight kontra American Keith Thurman sa MGM Grand Arena sa Las Vegas?

Pagkakataon na ng mga fan na mabili ang naturang short ng eight-division champion matapos ianunsiyo ng ‘Pambansang Kamao’ na isusubasta niya ang salawal para makatulong sa charity program ni American TV host Jimmy Kimmel.

Ang malilikom na pera ay gagamitin sa mga pasyenteng may sakit na Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS).

Bago nagbakbakan sina Pacquiao at Thurman ay na-interview pa ni Kimmel ang figh­t­ing senator at nangako itong io-auction ang ipinanlabang shorts. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy