Una sa Balita

Salas, PetroGazz abante sa finals

0 202

INUPUAN ng PetroGazz Angels ang isa sa dalawang silya sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference nang walisin nito sa Game 2 ng semifinals ang BanKo Perlas 25-23, 25-18, 25-17 Sabado sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ito ang unang pagkakataon na makalusot sa finals ng PVL ang Angels mula nang sumali ito noong 2018.

Umariba muli si Cuban reinforcement Wilma Salas na may 23 points, sa likod ng 21 attacks at dalawang blocks, habang umalalay naman si American import Janisa Johnson ng 13 points.

“It starts sa mental mindset namin, everytime we go to practice and sa game talagang ready kami mentally,” sabi ni coach Arnold Laniog.

Nagawa pang makasabay ng Perlas Spikers sa unang set at naitabla nila sa 23 ang laro pero lumamlam ito kaya’t nanakaw pa ito ng Angels.

Nagpatuloy ang dominsayon ng PetroGazz sa huling dalawang sets sa pagsandal nito sa dalawa nitong reinforcements sa opensa at depensa.

Pumalo naman ng 10 points si Styx Horton para sa BanKo Perlas, na sasabak sa Battle for Third ng liga. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy