Una sa Balita

Salamat sa talento, panahong inialay sa Makati

Mayor Abby sa pagpanaw ni Councilor Rico J

0 210

Labis na ikinalungkot ng Pamahalaang Lungsod ng Makati at mga residente nito ang pagkamatay ng isa sa kanilang konsehal at ang beteranong singer na Enrico ‘Rico’ J. Puno kahapon nang umaga.

Ito ang pahayag kahapon ni Makati City Mayor Abegail ‘Abby’ Binay, si Puno ay nasa edad na 65 at namayapa ng Martes nang umaga dahil sa heart failure.

Sinabi ni Mayor Binay, nagsilbi ang beteranong singer na tinaguriang ‘The Legend of OPM’ bilang konsehal simula noong 1998 hanggang 2007 at muli itong nahalal nitong nakaraang 2016 Election.

“We deeply mourn the passing of City Councilor Rico Puno. On behalf of the city government and the people of Makati, I wish to express our heartfelt condolences to his bereaved family. We offer our fervent prayers for his peaceful voyage to eternal life. We also pray for his loved ones, that they may find solace during this time of grief,” ani Abby.

Ayon kay Abby , hindi lamang ang buong Pamahalaang Lungsod ng Makati ang nalulungkot at nagdadalamhati, maging ang mga residente ng lungsod ay nagluluksa rin sa pagpanaw ni Puno.

Si Puno ay nagkaroon ng walong anak mula sa kanyang dating asawa na si Doris T. Puno.

Inalala ng alkalde, ang magagandang naialay at pagkakaroon ng sense of humor ng naturang singer nang ito ay nagsisilbi pang konsehal ng lungsod. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy