Una sa Balita

Salamat sa suporta Chairman Ramirez

0 329

Maganda ang simula ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games.

Kung hindi magbabago ang trend ng medal standings, aba’y bibiyahe po tayo sa ikalawang overall crown (una sa 2005 Manila SEA Games) natin sa kada-dalawang taong multi sporting event.

Ilan sa mga Pinoy athlete natin na nag-ambag na ng ginto sina John ‘Rambo’ Chicano at Kim Mangrobang sa triathlon, ang ating world gymnastics champion na si Caloy Yulo, si Agatha Wong sa wushu, sina Dexler Bolambao at Niño Mark Talledo sa arnis at ilan pang mga taga-dancesport.

Hindi ko na mababanggit lahat dahil mukhang hahakot talaga tayo ng ginto.
Ngayon pa lang, binabati ko na ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ng masipag na si Chairman William ‘Butch’ Ramirez dahil sa todong suportang ibinigay sa ating mga atleta magmula sa mga panganga­ilangan ng mga ito hanggang sa pagsuporta sa mga training abroad para maging handa sa SEA Games.

Inaani na ngayon ng mga atleta ang bunga ng hirap sa kanilang mga pag-eensayo sa mahabang panahon.

Mabuhay ang Team Pilipinas!
***
Habang nakatutok ang milyon-milyong Pinoy sa iba’t ibang mga aksiyon sa 30th SEA Games, gumawa rin ng sariling ingay ang Pinoy boxer na si John Riel Casimero.

Nitong Linggo ay gumawa ng upset victory si ‘Quadro Alas’ Casimero nang gulatin at talunin si South African Zolani Tete para angkinin ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight belt sa suntukang ginanap sa Birmingham United Kingdom.

Tatlong round lang ang kinailangan ni Casimero bago tuluyang i-knockout ang liyamadong si Tete, na sabi ng iba ay walang katigas-tigas na Tete.
Congrats John Riel!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy