Una sa Balita

Salamat sa endo bill

0 434

Dear Abante,
Masaya akong malaman na pasado na sa Senado ang “endo bill”. Napakagandang balita nito sa tulad kong sumusweldo lamang kakarampot dito sa isang pabrika sa Laguna.

Kung tuluyan ng maisasabatas ang “endo bill” ay maraming tulad ko na contractual na empleyado na tuwing ika-anim na buwan ay kailangang mag-renew ng kontrata at kung mamalasin at ‘di ka trip ng mga bisor mo ay ‘di na maire-renew pa.

Sa ganang akin, magkakaroon ng katiyakan ang aking hanapbuhay pag wala ng endo dito sa ating bansa. Mas makakapagplano na rin ako ng maayos para sa pag-budget sa pag-aaral ng aking anak na nasa elementary kung sakaling maging regular ako sa trabaho.

Isa pa sa nakikita kong positibong dulot nito bukod sa “security of tenure” na tinatawag, ay mababawasan na rin ang mga pagkilos ng mga labor union/groups at makikita nila na may aksyon ang gobyerno sa kanilang panawagan.

Lagi kong nababanggit sa katrabaho ko na kung may magandang nagagawa ang isang liderato dapat din naman itong kilalanin at i-appreciate. Hindi lang lagi pambabatikos at kritisismo ang dapat na ibato sa kanila.

Ezekiel Manaois

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy