Una sa Balita

Salamat mga kapatid!

0 469

LUMALABAS ang pagiging makatao at matulungin ng mga Pinoy sa oras ng kagipitan.

Hindi na mabilang sa aking mga daliri ang kwento ng kabayanihan, kabutihan at pagigiging matulungin ng mga kababayan natin sa gitna pa rin ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Hindi nagpapahuli ang mundo ng sports – mga atleta, mga sports official– sa pag-ayuda sa mga biktima ng virus at pagtulong sa mga frontliner.

Ang Philippine Sports Commission, sa pamumuno ng masipag na si Chairman Butch Ramirez, ay handa nang ipagamit ang Ninoy Aquino Stadium bilang quarantine area ng mga COVID patient.

Mga basketball player, mga balibolista at napakaraming atleta rin ang nagpa-fund raising para makatulong sa mga doctor, nurse, pulis, sundalo, mga tanod, basurero at lahat ng frontliner.

Special mention po natin ang Iglesia Ni Cristo, na ipapagamit ang kanilang 99,000-square meter Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan bilang mega-facility sa mga tinamaan ng virus.

Balita ko po na buong Ciudad de Victoria Complex ay kasamang ipapagamit ng INC para makatulong sa pagsugpo ng pandemic.

Salamat po sa inyong lahat, nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoong Hesukirsto dahil sa mabubuti ninyong puso.

Matatapos din ang krisis na ito at manunumbalik din sa dati ang lahat. Dasal lang!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More