Una sa Balita

Salamat Doug!

0 397

Matapos ang 12-taon ng professional basketball, nagpaalam na si Doug Kramer sa PBA.

Inanunsyo niya ang kayang retirement sa huling laro ng Pheonix kontra Columbian na kanila namang naipanalo.

Eliminated man na ang Pheonix sa torneo, bakas pa rin sa mukha ni Doug at ng kanyang teammates ang saya na naipanalo nila ang huling laro para sa kanilang kaibigan.

Maalala na noong 2016, nagpahinga si Doug ng panandalian dahil sa isang mild stroke.

Pero ayon kay Doug, wala siyang injuries ngayon. Malakas at malusog siya at puno pa ang tangke.

Kaya pang makipagbakbakan pero habang siya nga ay malakas pa nais naman niya ibaling sa ibang bagay ang kanyang lakas at atensiyon.

Masaya siya na naging malaking parte ng buhay niya ang basketball. Mula sa Ateneo, na-draft siya noong 2007 at naglaro sa Air21.

Related Posts

Minsan din siyang naging ka-Barangay. Naglaro din siya kasama nina Coach Yeng Guiao sa Rain or Shine at napabilang sa makasaysayang koponan ng Powerade na umabot sa finals series noong 2012.

Nalipat siya pagkatapos sa Petron (SMB), tapos ay naglaro para sa GlobalPort at panghuli nga para sa Pheonix.

Makulay at makasaysayan ang kanyang naging career at labis siyang nagpapasalamat sa lahat ng coaches, teammates, staff at fans na naging parte ng kanyang paglalakbay pero paalala ni Doug sa lahat, hindi forever ang basketball.

Madami pang plano si Doug kasama ang kanyang pamilya. Celebrities ang kanyang asawa at mga anak kaya siguradong hindi daw natin sila mami-miss masyado dahil sila ay magiging aktibo sa social media.

Kung ano at saan pa man makarating si Doug, paniguradong magiging matagumpay siya dahil noon pa man hanggang ngayon siya ay isang fighter, survivor at winner.

Good luck Doug sa mga future endeavour mo. Salamat sa pagbigay mo ng 12-taon sa amin sa PBA.

Mabuhay ka!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy