Una sa Balita

Salado aakyat na sa PBA

0 443

BAKASYON na ang Arellano University Chiefs sa 95th NCAA basketball tournament, kinapos sila ngayong season sa asam nilang sumampa sa final four.

At dahil huling taon na ni star point guard Kent Salado ay nakatutok ito sa susunod na hakbang ng kanyang basketball career.

Nauna na niyang sinabi na maglalaro siya sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) pagkatapos ng NCAA, pero inamin din niyang sasali siya sa Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft.

“Gusto kong maglaro sa PBA kaya magpapa-draft ako, sana makapasok,” saad ni Salado na binansagang “The Conductor” sa NCAA.

Nag average si Salado ng 16.2 points, 5.7 assists, 5.1 rebounds at 1.6 steals ngayong NCAA season.

Impresibo ang kanyang performance sa kanyang huling season na paglalaro sa Arellano kaya naman minsan na rin siyang nahirang na NCAA Player of the Week.

Tumapos ang Chiefs ng 4-14 record. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy