Una sa Balita

Sakripisyo rin ang mga nagpapakain sa manok

0 242

Maraming puwedeng maging trabaho sa larangan ng sabong, isa na rito ang tagapakain ng manok.

Malaking bagay ang kanilang ginagampa­nan na tungkulin lalo na kapag hinahanda ang mga manok sa mga derby.

“Kailangan namin malaman sa handler o tagakondisyon kung ano ‘yung idadagdag sa mga pagkain ng manok at ‘yun ang sinusunod namin,” hayag ni Louie Alisunurin, nagtatrabaho sa isang farm sa may La Union.

Ayon kay Alinsunurin, kapag hindi pa hinahanda ay ‘yung mga regular na kinakain ng manok ang ibinibigay nila, mababago na lang kapag pine-preconditioning na ito.

Kailangan nilang gumising nang maaga para mapakain sa tamang oras ang kanilang alaga at sa hapon mga alas-3tres ay hinahanda na nila ang mga ipapakain.

“Dapat nasa oras sila kumain at dapat maayos ang alaga natin kasi kami rin naman ang makikinabang kapag nanalo sila,” ani Alberto Gasino na toka naman sa isang farm sa Antipolo.

Para sa mga taga-pakain ay mas nasasaktan sila kapag natalo ang manok dahil araw-araw nila itong nakakasama umulan man o umaraw
“Minsan naiiyak ako kapag natalo ‘yung manok kasi kahit paano matagal namin sila nakakasama, ‘yung mga boss kasi makikita at mahahawakan nila ‘yung mga manok kapag hinahanda na, samantalang kami mula day old hangang paglaki nila ay sa mga kamay namin sila lumaki,” kuwento ni Alinsunurin.

Kaya malaki rin ang sakrispisyo ng mga tagapakain ng manok, minsan hindi nila iniisip ang kanilang bonus kapag nanalo ang manok, katwiran nila, may suweldo naman kaya ang gusto lang nila ay makabalik sa kanila ang manok na inilaban ng kanilng mga boss.

“Nalulungkot kami kapag nakita namin ‘yung inilaban na manok ay wala na at papalitan ng iba, kaya gusto ko kapag nilaban nila ay manalo kahit wala na akong bonus basta bumalik lang ‘yung alaga ko, kasi may sahod naman,” pagtatapos ni Gasino. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More