Una sa Balita

Sakripisyo ng mga ninuno sa kalayaan ‘wag balewalain — Duterte

0 379

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan sa buong bansa.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng Pangulo ang sambayanang Pilipino na huwag kalimutan ang sakripisyo ng mga ninuno para makamit ang kalayaan ng bansa mula sa mga dayuhang mananakop.

Ito aniya ang pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas dahil natuldukan ang mahigit tatlong siglo ng pagiging sunud-sunuran sa mga dayuhan at natagpuan ng mga Pilipino ang tamang direksiyon para sa bansa.

“I am one with the Filipino people in commemorating the Anniversary of the Priclamation of Philippine Independence.

It was the most significant event in our country’s history . Not only did we put an end to more than three centuries of subservience but we also resolved to determine the course of our own destiny as a nation,” anang Pangulo.

Gayunman, sinabi ng Presidente na mabigat ang naging kabayaran ng pagkamit ng kalayaan dahil dugo at pawis ng mga ninuno ang naging kapalit nito.

Dahil dito, marapat lamang na pahalagahan ang naging sakripisyo ng mga ninuno at huwag hayaang mabalewala ang kanilang pangarap na magkaroon ng tunay na malayang Pilipinas kung saan ang mga Pilipino ay malayang makapamuhay ng ligtas sa isang matatag at masaganang lipunan.

“Let us commit ourselves to ensure that their sacrifices have not been in vain and that their dream of a truly independent Philippines—whose people live freely in a secure, stable and prosperous society—will be achieved within our lifetime,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy