Una sa Balita

Sakit mula sa ashfall ibinabala ng DOH

0 440

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga posibleng sakit na maaring makuha sa patuloy na ashfall matapos ang pagsabog ng Bulkan Taal.

Sa ipinalabas na advisory ng DOH maari umanong magdulot ng iritasyon ng mata, ilong at lalamunan, gayundin ng pag-ubo, bronchitis-like illness, mahihirapan sa paghinga, pagkati at iritasyon ng balat.

“If you are experiencing­ any of these symptoms, seek immediate medical attention at the nearest health facility,” ayon kay DOH Secretary Francisco­ Duque III.

Bukod sa panganib sa kalusugan, ang ashfall ay maari rin magresulta ng aksidente tulad ng pagbagsak ng bubungan o banggaan ng mga sasakyan dahil sa madulas na kalsada.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na para maiwasan ang aksidente ay huwag lumabas sa bahay at isara ang lahat ng bintana at pintuan, ibaba ang mga kurtina upang maiwasan makapasok ang ashfall.

Magsuot rin ng dust mask o takpan ang mga ilong at bibig. Gumamit ng eye protection tulad ng goggles. Manatili ring alerto at handa sa evacuation.

Inirekomenda rin ng DOH, ang paggamit ng N95 masks para sa proteksiyon, patayin ang air conditioning at fans para mapigilan ang mga abo na makapasok sa bahay. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More