Una sa Balita

Saka na ang bertdey, Barroca pokus sa ‘G6’

0 253

Semis Game 6 ngayon:
(Ynares Center/Antipolo)
7:00pm — Rain or Shine vs. Magnolia

MIYERKOLES pa lang nang gabi, nakatanggap ng maagang regalo si Mark Barroca sa kanyang 33rd birthday kinabukasan – dumikit sa PBA Philippine Cup Finals ang Magnolia Hotshots.

Kumapit sa dulo ang Hotshots para ipreserba ang 82-74 panalo kontra Rain or Shine sa Game 5.

Naiwan 0-2 ang Magnolia pero tatlong sunod na panalo na ang tinutuhog, isa pa ay babalik sa championship ng all-Filipino sa pangalawang dikit na season.

Noong isang taon, Hotshots ang biniktima ng San Miguel Beer para sungkitin ang pang-apat na sunod na titulo ng season-opening conference.

“Magandang birthday gift, but our mission isn’t yet done,” ani Barroca, nagsumite ng 14 points mula 6 of 11 shooting at may 4 rebounds, 3 assists at 2 steals pa.

Ang misyon siyempre ay isara ang series para makabalik sa kampeonato at habulin ang tropeo na nakawala noong isang taon. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy