Una sa Balita

Sahod ni Dingdong napupunta lahat kay Marian?

0 591

Inamin ni Marian Rivera kung binibigay ba ng mister niyang si Dingdong Dantes ang lahat ng kinikita nito.

Sa isang panayam kay Marian sa media launch ng bago niyang ineendorsong Waltermart, naitanong kay Marian ang tungkol sa kaperahan nilang mag-asawa.

Ani Marian, binibigay sa kanya ni Dingdong ang lahat suweldo nito dahil siya ang nagba-budget.

“Gusto n’yo ba ng totoo, binibigay niya sa akin ‘yung suweldo niya,” sabi ni Marian.

Pero ani Marian, hindi porke binibigay sa kanya ni Dingdong ang lahat ng sahod nito ay walang napupunta sa aktor.

Hiwalay umano ang para kay Dingdong, kay Marian at sa kanilang pamilya.

“Hindi naman porke binibigay niya sa akin lahat e wala siya. Merun naman siya, merun ako, merun kaming para sa pamilya. Hindi ko naman tatanggalin kung ano ‘yung gusto niya, at ako kung ano ang gusto ko,” ani Marian.

“May listahan ako e. Maarte talaga ko e. Nagsusulat talaga ko. Organizer talaga ko, nakasulat talaga doon ‘yung budget namin sa bahay, kuryente, tubig, sa helper, basta lahat-lahat,” dagdag pa niya. (IS)

View this post on Instagram

😍😍😍 📽: Chikanessave

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics) on

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy