Sahiron, susuko na?

By

Kinumpirma ng pamu­nuan ng AFP na nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagnanais na pagsuko ng isa sa mga ­lider ng bandidong ASG.

Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla nakatanggap ng abiso ang ­Western Mindanao Command tung­kol sa posibleng pagsuko ni Radulan Sahiron.

“Mayroon pong impormasyon na nakarating na handa nang sumuko si Radulan Sahiron,” pahayag ni Padilla.

Ayon pa kay Padilla, matanda at may kahinaan na rin dahil sa iniindang karamdaman ang nasabing ASG leader.

“Ang impormasyon ay nais niyang magpa­gamot kaya nagpasya itong sumuko,” ayon pa kay Padilla.

Samantala, nagpaalala ang AFP sa publiko na mag-ingat laban sa mga nagtatagong ASG members sa Bohol.

Sinabi ni Padilla na armado ang nasabing mga bandido ng mga high powered firearms.

Ayon pa kay Padilla, hanggang sa ngayon ay nasa Inabangan, Bohol pa rin ang mga tinutugis na itong ASG members at dito tiniyak na hindi titigil ang militar hanggang sa matugis ang mga ito.

SHARE