Una sa Balita

Sagupaan hininto sa Ramadan

By
0 4

MARAWI CITY — Pansamantalang ipapa­hinto ang opensiba ng pwersa ng militar laban sa mga radical jihadists sa Butig, Lanao del Sur para magbigay galang sa banal na buwan ng mga Muslim na Ramadan.
Ayon kay Col. Roseller Murillo, commander of the Marawi city-based Army’s 103rd Infantry Brigade, itoy bilang pagrespeto sa isa sa pinakamahalaga at naka­gawian ng mga Muslim kung saan sila’y magpa-fasting ng isang buwan.
Sampung araw nang nagsasagupaan ang pwersa ng military at ng mga radical jihadists na Maute terror group , na sumusuporta sa international notorious group na Islamic State o ISIS, sa bayan ng Butig, Lanao del Sur.
Samantala, ayon sa Moonsighting Committee Worldwide (MCW) posibleng makita ang gasuklay ng buwan sa Linggo pero makikita ito sa may rehiyon ng America (kanluran) mga alas-tres ng madaling-araw at maliwanag naman ito magpapakita sa buong mundo sa Lunes.
Kapag nakita ang buwan sa Linggo, mag-uumpisa ang Ramadan sa Lunes, kung hindi naman ay sa Martes.