Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sagot daw sa pamdenya: Baka na may 2 ulo sinamba

0 20

Dahil sa mabagal na pag-usad ng pagbabakuna sa US ay naglabas na naman ng isang matinding pakulo ang state ng Washington.

Ang kanilang ibibigay sa mga magpapaturok: isang ‘joint’ ng marijuana.

Ayon sa pahayag ng Liquor and Cannabis Board (LCB) ng Washington state, ang pakulo nilang ‘Joints for Jabs’ ay tatakbo hanggang Hulyo 12.

SM food to go Banner Ad

Legal ang recreational marijuana sa Washington simula pa noong 2012.

Nitong nakaraang buwan lamang ay sinubukan din ng LCB na mamigay ng alak kapalit ng pagpapaturok. Bukod dito, nagkaroon din ng pakulo ang state kung saan maaaring manalo sa lottery ang magpapabakuna.

Sa ngayon ay nasa kalahati na ng mga residente ng state ang nakapagbakuna na. Samantala, ang target ni US President Joe Biden ay nasa 70% na ng kabuuang populasyon ng bansa ang naturukan kahit unang dose sa Hulyo 4. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.