Una sa Balita

‘Sagip Pelikula’ ng ABS-CBN pinarangalan sa ibang bansa

0 347

Mas madali nang napapanood ang classic Filipino films ngayon at isa sa mga dahilan nito ay ang dedikasyon ng ABS-CBN sa pagpreserba ng mga obrang nagpapakita sa sining, kasaysayan, at husay ng pelikulang Pilipino sa bagong henerasyon.

Sa misyon nito na mapalapit ang mga kabataan sa kultura ng lumipas na panahon, inilunsad ng ABS-CBN ang “Sagip Pelikula” na naglalayong maipakilala ang mga klasikong pelikula sa bagong henerasyon ng mga manonood.

“Ipinakita ng Sagip Pelikula ang mga pagbabago sa mga dumaang henerasyon.

Kung dati mga kwento lang ng magulang o lolo at lola natin, ngayon mas nararamdaman na ito. Magandang pagkakataon ang isang daang selebrasyon ng Philippines cinema para makapukaw pa ng interes ng tao,” pahayag ni Leo Katigbak, ang Head of Film Restoration.

Ang proyekto ay ang kauna-unahang sa Asya at kamakailan ay nanalo ng Award of Merit mula sa 2019 Gold Quill Awards na ginanap sa Vancouver, Canada.

Mula 2016, gumawa ng paraan ang “Sagip Pelikula” para iparating ang mensahe nitong pagpapahalaga ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Dahil sa “Sagip Pelikula,” naimbitahan rin ito na dalhin ang mga restored classics sa iba’t ibang international film festival kasama na ang Udine Film Festival sa Italy, Arsenal Institut Fur Filmin sa Germany, Tokyo International Film Festival, at ang Yerba Buena Center for the Arts Screening sa Amerika, at iba pa.

Sa dedikasyong ipinapakita ng ABS-CBN na muling buhayin at ipakilala sa kabataan ang mga classic movies, mas lumalaki ang kasigurahan na manatili sa kamalayan ang sining at kuluturang bitbit ng Filipino classic films. ­(Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy